Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita ng ika-125 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa Rizal National Monument sa Rizal Park sa Maynila nitong Huwebes, Disyembre 30.
Ang paggunita ay may temang “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan at Buhay” (Rizal: For Science, Truth, and Life), kasabay ng mga seremonya sa iba’t ibang monumento sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Nagsimula ang seremonya sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas na sinabayan ng pagtugtog sa Pambansang Awit ng Pilipinas.
Nag-alay din ng bulaklak ang Pangulo sa bantayog ni Rizal.
Dumalo at nakiisa rin sa seremonya sa Maynila sina National Historical Commission of the Philippines chairperson Dr. Rene Escalante, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, MMDA chair Benhur Abalos, at Armed Forces of the Philippines chief Lieutenant General Andres Centino.
Beth Camia