Usap-usapan sa social media ang kakaibang clouds formation na naispatan at nakuhanan ng litrato ng isang Japanese netizen nitong Disyembre 21, 2021 ng umaga.

Kitang-kita na hating-hati ang pagkakaayos ng mga ulap sa kalangitan: sa bandang kanan ay puro ulap habang sa kaliwa naman ay kitang-kita ang bughaw na langit.

“雲がすごい (The clouds are amazing),” caption ng Twitter user na si @neinei_ninja250. Hindi naman niya binanggit kung saang partikular na lugar sa Japan nakuhanan ang naturang cloud formation.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Image
Larawan mula sa Twitter/@neinei_ninja250

Saad naman ng isa pang Twitter user, makikita ito sa Shikoku.

“自分も四国で遭遇しました (I also encountered in Shikoku),” saad sa caption ni @YASUHIRO_1119.

Screengrab mula sa Twitter/@YASUHIRO_1119

Umabot na sa 102,600 likes at 18,600 retweets ang naturang Twitter post.