Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Tourism (DOT) kaugnay ng ulat na pinayagan ng isang hotel sa Metro Manila na makaalis sa kanilang lugar ang isang bisita mula sa United States kahit hindi pa tapos ang quarantine period nito kamakailan.

Paliwanag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, pinadalhan na nila ngnotice to explain (NTE) ang nasabing establisimyento upang tumugon sa alegasyon sa loob ng tatlong araw.

Nauna nang kumalat sa social media ang usapin kung saan isa umanong returning Filipino mula sa U.S. ang umalis ng hotel sa Makati City upang dumalo sa isang party kahit hindi pa nito nakumpleto ang quarantine period.

Sinabi ni Romulo-Puyat na nakikipag-ugnayan na sila sa mga ahensyang may kinalaman sa usapin upang makumpirma ang ulat.

National

Bagyo sa labas ng PAR, pinangalanan nang ‘Romina’; Signal #1, itinaas sa Kalayaan Islands

Maaari aniyang maharap sa pagkakakulong ang sinumang indibdwal na mapapatunayang lumabag sa quarantine protocols.

"Failure to comply with the health and safety protocols of the DOT, the Department of Health (DOH), or the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) may lead to criminal penalties of fines and/or imprisonment, and administrative penalties such as suspension or revocation of accreditation depending on the gravity of the offense," pagbibigay-diin pa ni Romulo-Puyat.