Nakapagtala ang Philippine General Hospital (PGH) ng bahagyang pagtaas sa admission ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nilinaw ni PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario, hanggang noong Disyembre 25, mayroon lamang silang 30 COVID-19 patients.
Gayunman, hanggang nitong Disyembre 29 ay dumoble na ito at naging 65. "Over the course of five days, we saw a slight increase in the number of patients coming to the ER (emergency room) or consultation. Some of them have COVID and some had to be admitted. Some had to be sent off because they have mild symptoms,” ani del Rosario sa panayam sa telebisyon.
“So I guess it’s fair to say that there is a slight increase in the number of admissions now. We are seeing an increasing trend,” aniya pa.
Aniya, resulta ito ng paglabas ng mas maraming tao sa kani-kanilang tahanan, namimili at nagtutungo sa mga Christmas parties.
Mahirap pa aniyang sabihing na ang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit ay dahil sa mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19, lalo na at wala pa namang natutukoy na local transmission ng naturang mas nakakahawang variant ng virus.
Mary Ann Santiago