Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,623 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Huwebes, Disyembre 30.
Ang naturang bilang ay halos doble, kumpara sa 889 bagong kaso lamang na naitala sa bansa nitong Miyerkules, Disyembre 29.
Umabot na ngayon sa 2,841,260 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 0.4% o 11,772 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso, 5,737 ang mild cases; 3,315 ang moderate cases; 1,771 ang severe cases; 577 ang asymptomatic at 372 ang kritikal.
Naitala rin ng ahensya ang 256 na bagong gumaling sa sakit kaya umabot na 2,778,115 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.8% ng total cases.
Nasa 133 naman ang naitalang namatay sa karamdaman.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng 51,373 total COVID-19 deaths o 1.81% ng kabuuang kaso.
Mary Ann Santiago