Trending ngayon sa social media ang pangalang "Gwyneth Chua," matapos umanong tumakas mula sa pagku-quarantine samantalang ayon sa mga ulat ay positibo sa Omicron variant ang dalaga.
Ayon sa netizens, naiulat na tumakas ang dalaga at dumalo pa sa isang handaan, na ngayon ay may naiulat na mayroon nang nagkakasakit na umabot na sa 12 ang bilang.
"Just heard of the young lady who skipped the required quarantine after having come home from the US and she went to parties and ate in Poblacion and now 12 people are sick maybe more. She had Omicron but paid a facility in the province to lie for her. I AM LIVID," tweet ng isang netizen na umabot na sa 17.8K ang likes.
Dagdag pa ng netizens, sisihin umano si Chua kung sakaling tataas nang bigla ang kaso ng COVID-19 lalo na ng Omicron variant.
Samanta, binobomba rin ng saloobin ng netizens ang may-ari ng Berjaya Makati Hotel Vincent Tan, isang Malaysian billionaire, matapos 'di umanong hayaang makalabas si Chua.
Ayon naman sa Department of Tourism (DOT), nakikipag-ugnayan na ito sa mga ahensya na maaaring may kinalaman sa nasabing ulat upang alamin kung totoo.
Paalala naman ng DOT, anumang paglabag sa health and safety protocols na itinakda ng DOT, Department of Health (DOH), at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay maaaring maging sanhi ng pagpapakulong o pagmumulta.
Matatandaan na noong Disyembre 15, naitala ng DOH ang unang kaso ng Omicron variant sa bansa, na pinaniniwalaang sanhi ng paglaganap muli ng kaso ng COVID-19 sa South Africa at ilang bansa sa Europa.