Dalawang mananaya ang nagwagi at maghahati sa₱27.8 milyong jackpot sa Megalotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 29, 2021.

Nilinaw ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, isang taga-Metro Manila at isang taga-Bulacan ang nagwagi ng₱27,879,938.20 matapos na mahulaan ang six-digit winning combination na 18-29-03-25-15-39.

Nabili umano ng mga nanalo ang kanilang ticket sa Las Piñas City at Guiguinto, Bulacan.

Mary Ann Santiago

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol