Emosyunal na nagbigay ng Christmas message ang 'It's Showtime' hosts sa isa't isa, sa pangunguna ni Vice Ganda, sa episode ng kanilang noontime show noong Pasko, Disyembre 25.

Dito ay inamin ng mga hosts na 'bagsak' at nasa ibaba ang 'It's Showtime' na karibal ng 'Eat Bulaga' sa GMA Network at 'Lunch Out Loud' o LOL sa TV5.

“Lord, salamat dahil maraming taon na lugmok ang Showtime pero andiyan ka para gabayan kami lahat. Nandyan ka para alalayan kaming lahat para malagpasan namin lahat ng pagsubok na ibibigay sa’min,” saad ni Vhong Navarro.

“Kahit sobrang bigat ng pinagdadaanan natin, nada-divert natin kasi kailangan natin magpasaya,” pahayag naman ni Kim Chiu.

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

“Umakyat tayo, bumaba tayo, umakyat tayo, bumaba pa rin tayo, umakyat pa rin tayo, pero sa lahat ng panahon na ‘yon, kasama pa rin natin si Lord,” wika naman ng batikang host na si Tyang Amy Perez na ilang noontime show na rin ang kinabilangan sa ABS-CBN.

At dito na nga, inamin at tinanggap na nga ni Vice na sadsad at nasa ibaba na ang kanilang programa, na marahil ay naapektuhan na rin ng kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN.

“Hanggang ngayon, nasa baba pa rin naman kami, pero ang sarap lang na nasa baba pero tayo pa rin ang magkakasama. It will be even harder kung hindi tayo magkakasama. And Lord, we appreciate this moment na nasa baba kami, alam naming may plano ‘to. Thank you.” sabi ni Vice.

"Alam natin for a time na nasa taas tayo. Pero hindi natin nababanggit na nasa baba tayo. Pero ngayon na-accept na natin. At ok lang pala 'yun na ma-accept natin na nasa baba tayo. At ok na ma-accept na we feel so low but while feeling so low, our hearts become even bigger. And that makes us even taller."

"Ngayon natatanggap na natin oo nga wala na ho kami sa itaas, nasa ibaba kami ngayon. But Lord, its ok for as long as we are together.” sey pa ng komedyante.

Nagsimula ang 'Showtime' noong October 24, 2009 sa timeslot na 10:30 AM, kapalit ng 'Pilipinas, Game Ka Na Ba?' ni Edu Manzano.

Ang mga original hosts nito ay sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kim Atienza, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at si Vice Ganda na isang resident hurado o unevictable judge.

Taong 2012 nang mailagay na ito sa noontime at itinapat na sa 'Eat Bulaga'. Nadagdag bilang main hosts sina Karylle, Jhong Hilario, Ryan Bang, Mariel Rodriguez, Billy Crawford, Coleen Garcia, Eric 'Eruption' Tai, at Amy Perez.

2020 naman nang maipasok bilang host sina Jackque 'Ate Girl' Gonzaga, ang jowa ni Vice na si Ion Perez, Kim Chiu, at nitong 2021 ay si Ogie Alcasid.