Inanunsyo ngUnited States government nitong Miyerkules, Disyembre 29, ang pagpapadala ng karagdagangUS$19 milyon (mahigit-kumulang sa P950 milyon) na humanitarian aid para sa mga biktima ng bagyong 'Odette' kamakailan.

Dahil dito, mahigit na sa P1 bilyon na ang kabuuang halaga ng naipadalang tulong ng Estados Unidos sa Pilipinas.

“The United States is pleased to announce additional and significant assistance of PHP950 million, which brings our total amount of aid for Typhoon Odette to over PHP1 billion. We stand steadfast with our long-standing friend, partner, and ally in helping support communities devastated by the typhoon,” pahayag ni US Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava nitong Miyerkules, Disyembre 29.

IdadaansaUS Agency for International Development (USAID) ang nasabing tulong na kinabibilangan ng pagkain, tubig,hygiene supplies, at shelter assistance.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Matatandaang humagupit ang bagyo sa nasabing mga rehiyon nitong Disyembre 16 na ikinamatay ng halos 400 at ikinasugat ng lagpas 1,000, ayon sa datos ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council.

PNA