Binanatan ni opposition Senator Leila de Lima nitong Miyerkules si Pangulong Duterte dahil sa patuloy nitong pagtanggi na igiit ang territorial integrity art sovereign rights ng bansa sa West Philippines Sea (WPS) sa kabuuan ng kanyang termino, at sinabing ito ang naging legasiya ng kanyang panunungkulan.

“As I’ve said before, nobody really expects Duterte to stand against China’s continued incursion in the WPS, but we cannot ignore his continued cowardice and kowtowing to China,”ani De Lima.

“We cannot allow Duterte to brainwash Filipinos into believing that we should not assert our country’s right in the WPS because we are supposedly no match against China – not when we are aware of the country’s arbitral victory against China and definitely not when we are only months short into electing the country’s new leaders,” giit niya.

Sa isang kamakailang conference, muling sinabi ni Duterte na hindi siya makikipagdigma laban sa China kung magkakaroon ng tensyon sa WPS habang sinabi niyang ang bansa ay hindi kailanman tatapat sa Asian superpower.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

“I would never allow that for as long as I sit President. Hindi na tayo magsali diyan sa… How can we match the firepower of China?” sabi ng Pangulo.

Sinabi ni De Lima na hindi kailanman dapat tularan ng mga Pilipino ang patuloy na pagbalewala ni Duterte sa tagumpay ng bansa Hague laban sa China kaugnay ng WPS.

Kamakailan, binigyang-diin niya ang pangangailangan na mapabilang sa top 5 platfroms ang WPS ng sinumang presidential, vice-presidential at senatorial candidates para sa Halalan 2022 dahil ito ang magpapatunay sa kanilang prayoridad na protektahan ang pambansang interest sa kanilang sarili.

“Nakakadismaya ang ganitong klase ng pinuno na hindi kayang tumindig para sa ating soberanya at pambansang dangal. Nililinlang pa ang taumbayan sa kanyang pagkaduwag. Standing up for our territorial rights is not tantamount to proclaiming war,” sabi ng bilanggong pulitikal.

Hannah Torregoza