CAVITE CITY – Naglabas ng executive order ang lungsod ng Cavite na nagbabawal hindi lamang sa paggawa, pagbebenta at pamamahagi ng paputok kundi maging ang pagkakaroon at paggamit ng pyrotechnic device.

Ang Executive Order No. 51 na nilagdaan ni Mayor Bernardo Paredes noong Disyembre 27 ay nagsasaad na labag sa batas para sa sinumang indibidwal na magpasabog ng paputok, pampasabog o pyrotechnic na mga aparato sa loob ng teritoryo ng lungsod.

Ipasasara o mananagot ang may-ari, pangulo o general manager ng anumang business establishment na mahuhuling ilegal na gumagawa o nagbebenta ng paputok.

Layon ng EO na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at seguridad sa loob ng syudad bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nauna na ring nagpasa ng katulad na ordinansa sa lungsod ng Maynila, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno.

Carlo Bauto Pena