GENEVA, Switzerland – “Very high” pa rin ang dalang panganib ng Omicron variant ayon sa World Health Organization nitong Miyerkules, matapos tumaas sa 11 percent ang mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo nitong nakaraang linggo.

Ang Omicron ang nasa likod ng mabilis na pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa ilang bansa, kabilang ang mga bansang nauna nang sinalanta ng Delta variant, sabi ng WHO sa kanilang lingguhang COVID-19 epidemiological update.

”The overall risk related to the new variant of concern Omicron remains very high,” sabi ng UN health agency.

”Consistent evidence shows that the Omicron variant has a growth advantage over the Delta variant with a doubling time of two to three days and rapid increases in the incidence of cases is seen in a number of countries,” kabilang ang Britanya at Amerika kung saan ang Omicron ang nangungunang variant sa ngayon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

”The rapid growth rate is likely to be a combination of both immune evasion and intrinsic increased transmissibility of the Omicron variant.”

Gayunpaman, binanggit ng WHO ang 29 percent na pagbaba sa incidence rate sa South Africa – ang bansang unang nag-ulat ng Omicron variant sa WHO noong Nobyembre 24.

Sa unang datos mula sa Britanya, sinabing ang South Africa at Denmark na kasalukuyang may highest rate of infection per person ay nagmungkahi na mayroong mas mababang risk of hospitalization para sa Omicron kumpara sa Delta.

Gayunpaman, kailangan pa ng karagdagang datos upang maunawaan kung gaano kalubha ang Omicron pagdating sa clinical markers kabilang ang paggamit sa oxygen, mechanical ventilation at pagkamatay.

Kinakailangan din ng higit pang datos kung paano maaaring maapektuhan ang severity ng nakaraang impeksyon sa COVID o ng bakunang natanggap laban sa virus.

”It is also expected that corticosteroids and interleukin 6 receptor blockers will remain effective in the management of patients with severe disease,” sabi ng WHO.

”However, preliminary data suggest that monoclonal antibodies may be less able to neutralize the Omicron variant.”

Pagsirit ng kaso

Sinabi ng WHO na sa linggong matatapos ngayong Linggo, kasunod ng unti-unting pagtaas mula noong Oktubre, ang pandaigdigang bilang ng mga bagong kaso ay tumaas sa 11 percent kumpara sa nakaraang linggo, habang ang bilang ng mga bagong pagkamatay ay bumaba naman sa apat na porsyento.

”This corresponds to just under five million new cases and over 44,000 new deaths,” sabi ng WHO.

Ang pinakamalaking bilang ng mga naiulat na bagong kaso ng COVID-19 ay naitala sa Amerika, Britanya, France at Italya.

Agence-France-Presse