Taylor Swift who?

Diretsahang inamin ni Manilyn Reynes na ang dating dyowa na si Janno Gibbs ang dahilan kung bakit niya naisulat ang kantang “Sayang na Sayang” na ngayo’y isa nang original Pinoy music (OPM) classic.

Sa kamakailang press conference para sa kanilang muling pagtatambal sa isang proyekto, ang “Mang Jose,” si Janno mismo ang nagtanong kay Manilyn na agad namang sinagot ng Kapuso actress ukol sa motibasyon ng kanta.

“Yung ‘Sayang na Sayang’ ba isinulat [mo] para sa akin?” tahasang tanong ni Janno.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Oo,” walang kiyemeng sagot naman ni Manilyn.

Noong 80’s, ang tambalan nina Janno at Manilyn sa pelikula at sa totoong buhay ay isa sa mga pinakasikat noon.

Dahil dito ilang pelikula rin ang nabuo ng dalawa kabilang ang "Payaso,” "Jack en Poy: Hale Hale Hoy,” "Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting,” "Super Inday and the Golden Bibe,” Feel na Feel,” at "Ober da Bakod 2: Da Treasure Adbentyur.”

Kanya-kanyang happily married ang dalawa.

Mag-asawang Manilyn Reynes at Aljon Jimenez via Instagram

Ang naturang proyekto ay kanilang comeback project na magkasama matapos ang higit tatlong dekada.

Mapapanuod sa streaming site na Vivamax ang “Mang Jose.”