Inatasan na ng Malacañang ang mgalocal government units (LGUs) na magpatupad ng granular o localized lockdown sa mga lugar na nakitaan muli ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang hindi na ito umabot sa nakaaalarma na sitwasyon.
Ito ang kinumpirma ni acting Presidential Spokesperson, Cabinet Secretary Karlo Nograles at sinabing nababahala na si Pangulong Rodrigo Duterte at angInter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Aniya, dapat nang kumilos ang mga LGU upang makontrol ang galaw ng mga tao sa kani-kanilang nasasakupan.
“Of course, we are getting worried,at dapat lang! Kaya ang panawagan saLGUs,please enforce.Kapag may tumataas ang bilang ng kaso,granular lockdown.Hindi po nawala saequationanggranular lockdown,” paglalahad ni Nograles sa isang pulong balitaan saMalacañang nitong Miyerkules, Disyembre 29.
Binigyang-diin nito, ang pagpapairal ng granular lockdown ay "responsibilidad" na ng mga LGUs, lalo na sa mga lugar kung saan naitala ang pagdami ng mga kaso ng sakit.
Maaari aniyang isagawa ang granular lockdown sahousehold level, street level,purok(district) level, community level, at sa barangay level.
“Huwag nating kalimutan iyan, huwag nating hayaan na lumaki pa ito," aniya. Pinaalalahanan din nito ang publiko na responsibilidad ng lahat ang pagkontrol sa COVID-19 cases.
“Hindi po dapat nakaatang lamang sa balikat ng pamahalaan ninyoorngLGU;nakaatang ito sa balikat nating lahat.It is a shared responsibility of all. Self-policing among yourselves, in your family, in your community,sa inyongbarangay,lahat po tayo, huwag nating sayangin ang lahat ng pinaghirapan po nating lahat," paliwanag ng opisyal.
Nakiusap din ito sa publiko na ituloy pa rin pagpapatupad ngminimum public health standard.
“Mask,hugas, iwasplusbakuna – apat dapat…Hindi po pupuwedeng mawala ang isa diyan sa apat,” sabi pa nito," sabi nito.
“Again, January 1 to 15,mag-a-alert levelpo tayo;magpanibagongannouncement for that, but we can accelerate if we want,” pagdidiin pa ni Nograles.
Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 2 status ang buong bansa kung saan pinahihintulutan ang karamihan sa mga aktibidad sa pamamagitan ng 50 percent indoor venue capacity para sa fullyvaccinated individuals at 70 percent outdoor venue capacity.
Nitong Miyerkules, naitala ng DOH ang 889 panibagong kaso ng COVID-19, mas mataas kumpara sa mga nakalipas na araw.