Naghatid ng donasyon ang singer-actress at TV host na si Jolina Magdangal-Escueta sa opisina ni Bise Presidente Leni Robredo ngayong araw, Disyembre 29.

Kasama ang Fly Ace Corporation, 100 boxes ang ipinadala ng singer na naglalaman ng food items na ipapamahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Robredo kay Jolina.

Aniya, "Maraming salamat sa paglalaan niyo ng tulong at panahon, Mamshie Jolens at sa mga bumubuo ng Fly Ace!"

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Matatandaan na isa si Jolina Magdangal sa mga volunteer artists na umawit sa Christmas campaign ni Robredo.

Basahin: Music video ng Christmas campaign ni Robredo, ipinarinig na!

Samantala, naglabas naman ng detalye si Robredo sa mga nagnanais magpa-abot ng tulong, na tatanggapin hanggang Disyembre 30.

Sa Facebook post ni Robredo, narito ang mga detalye:

Bukas ang ating LeniKiko Volunteer Center, 24/7 para sa in-kind donations! I-drop off sa: 284 Katipunan Avenue, Quezon City (entrance in 33 Esteban Abada Street)

URGENT NEEDED:

1. Unused blankets

2. Sanitary napkins

3. Rice

4. Tarps and Trapal

5. Powdered drinks

6. Kulambo/Mosquito nets

Para sa cash donations, maaari namang ipadala sa Tanging Yaman Foundation:

BPI: 9601-0002-42

Metrobank (Peso Account): 448-7-448-00988-9

Metrobank (Dollar Account): 448-2-44800265-3

(Swift code: MBTCPHMM)

GCash: 0947-565-9544 (Herold Pelonio)

Magpadala ng screenshot o photo ng inyong transaction/deposit slip sa [email protected] para sa verification at acknowledgement.

Para sa US-based donors, maaaring ipadala sa: Philippine Jesuit Foundation Inc.

P.O. Box 312

New York, NY 10028

USA

Ngayong araw rin, bumisita si Robredo sa Dinagat Islands upang tignan ang sitwasyon ng mga nasalanta ng bagyo.

Nakausap dito ni Robredo si Governor Kaka Bag-ao, at pinag-usapan ang kasalukuyang pag-usad mga donasyon sa nasabing lugar.