Nanawagan angMalacañang sa publiko na huwag nang gumastos sa mga paputok at sa halip ay i-donate na lamang sa mga naapektuhan ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.

Inilabas ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles ang apela matapos iulatngDepartment of Health (DOH) na aabot na

“Tama po iyon, imbes na igastos natin sa paputok, safirecrackersna bawal po, ibigay na lang po natin sa mga kababayan natin na nangangailangan. Thosena tinamaan, lubos na naapektuhan ngTyphoon Odette,doon na lang po natin ibigay ang tulong natin," pagdidiin nito sa isangpress briefing saMalacañang nitong Miyerkules, Disyembre 29.

Binanggit ni Nograles angexecutive order na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 kung saan iniutos na isasagawa lamang ang fireworks displays sa komunidad upang maiwasan ang panganib ng pagkasugat at posibleng pagkamatay.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

Dapat wala nga po tayongfireworks-related injuriesna makikita dahil nga pocommunity fireworkslang po ang puwede,"aniya.

Umapela rin ito sa publiko na huwag nang gumamit ng "torotot" na ginagamit sa bibig upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

PNA