Iniutos ni Iloilo City Mayor JerryTreñasna huwag papasukin sa City Hall ang mga hindi nabibigyan ng booster shots sa gitna pa rin ng banta ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa direktiba ng alkalde, ipatutupad ito simula Enero 17, 2022.

Saklaw ng kautusan ang mga empleyado nito at mga residenteng mayroong transaksyon sa City Hall.

Kinakailangan aniyangmagpakita ng COVID-19 Booster Cards ang sinumang papasok sa gusali upang matiyak na hindi sila malulusutan ng mga wala pan booster shots.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Nanindigan din ang alkalde na ipatutupad niya ito sa susunod na taon sa kabila ng mga tumututol sa sistema.

Gayunman, sinabi nito na bibigyan pa rin nila ng lugar sa labas ng gusali ang sinumang walang booster shots na may transaksyon sa City Hall.

Tara Yap