Sinabi ni Kapamilya actress Heaven Peralejo na may social media manager nang nag-aasikaso sa kanyang social media accounts, upang hindi na umikot ang buhay niya sa social media.

Buking ni Heaven sa panayam kaugnay ng pelikulang 'Happy Times,' noong 2020 pa raw may social media manager na humahawak at naglalagay ng captions sa kaniyang mga social media accounts, at nag-eedit sa kaniyang vlogs.

"Siguro kasi, kaya gusto ko rin lang magkaroon ng social media manager kasi ayoko lang din na yung buhay ko ay umiikot lang din sa social media," ani Heaven.

“Parang gusto ko pa rin na nasa real time ako, alam mo 'yon? Na hindi laging dapat nasa phone. Kasi as in ngayon hindi na ako ma-phone. And mas masaya, mas kalma. Kasi dati iniisip ko pa yung mga sinasabi ng ibang tao, pero ngayon hindi na, eh," dagdag pa niya.

'Quizmosa' ni Ogie Diaz, namaalam na!

Matatandaang nakuwestyon ng mga netizen ang caption niya sa kaniyang self-birthday greeting sa sarili kung saan maling scientific term ang nagamit niya (rotation sa halip na revolution). Kaagad naman niya itong binawi at nagpasalamat sa mga netizen na nagtuwid sa kaniya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/27/heaven-peralejo-thank-you-for-the-science-lesson-guys/

Anyway, challenging daw kay Heaven ang 2021 pero ipinagmamalaki niyang nakayanan naman niyang malagpasan ang mga pagsubok na dumating sa personal at showbiz career niya. Punumpuno umano ng pagkatuto ang buhay niya nitong taon.

Marami raw siyang napagtanto sa sarili nang magbakasyon siya sa Siargao, kaya nalulungkot siya na malala itong naapektuhan ng bagyong Odette.

Nariyan umano ang kaniyang ina na siyang karamay niya.

“Ang laki pa pala ng mundo, na kaya ko ito. Na marami pa ang magiging problema na mas mahirap. Nandiyan si Mom, tinutulungan din niya ako kung paano i-handle," aniya.

"Nandoon din sila to support me all the way kahit may times na parang naggi-give up na ako. Si Mom pa rin yung naniniwala na kakayanin ko and, true enough, kinaya naman. And masaya naman. Nagkaroon ako ng strength dahil sa kanila para malagpasan yung mga bad times ko."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/07/heaven-peralejo-dear-self-im-looking-forward-to-learning-more-of-you/

Ano naman ang napagtanto niya tungkol sa lovelife?

“In terms naman kung paano ko ngayon tingnan yung love, siguro kailangan ko talagang pumili ng tao na super worth ng love ko, ganu’n."

“Actually, right now parang wala talaga akong time para magkaroon ng relationship. Parang gusto ko munang i-take yung time na ito para makilala ko pa yung sarili ko, yung mga gusto ko, yung mga ayaw ko sa relationship or in life."