Pipirmahan ni Pangulong Duterte ang panukalang P5.024-trillion General Appropriations Act (GAA) para sa 2022 bukas, Huwebes, Disyembre 30.

Ito ang anunsyo ni Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa virtual press conference nitong Miyerkules, Distyembre 29.

“Inaasahan natin na tomorrow, naka-schedule po ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 2022 general appropriations law,” ani Nograles.

“As promised, the President will sign this very important measure na hindi pa sasapit ang Dec. 31,” dagdag ng opisyal ng Palasyo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dapat lalagdaan na noong Martes, Disyembre 29, napagpaliban sa huling minuto ang 2022 national budget.

Nagbigay ng simpleng dahilan si Nograles sa biglaang pagpapaliban sa midya nitong Martes.

Ang P5.024 trilyong pambansang badyet para sa 2022 ay ang pinakamalaking naisabatas sa bansa.

Ellson Quismorio