Desidido na umano ang aktor na si Christian Bables na manirahan na sana sa Amerika subalit may isang pangyayaring nakapagpapigil sa kaniya, at nagdesisyong ipagpatuloy pa ang kaniyang craft sa Pilipinas.

Madamdaming inilahad ni Christian ang kaniyang mga pinagdaanan lately, sa kaniyang Instagram account. Si Christian ang nagwaging Best Actor in a Leading Role para sa pelikulang 'Big Night', sa katatapos lamang na 'Gabi ng Parangal' sa 2021 47th Metro Manila Film Festival o MMFF.

"Kagabi, habang naghihintay magsimula ang MMFF Gabi Ng Parangal, kinausap ko sina Direk Jun and Direk Perci," panimula ni Christian sa kaniyang IG post. Si Jun Robles Lana ay ang direktor at si Perci Intalan naman ang isa sa mga executive producer ng 'Big Night'.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Screengrab mula sa IG/Christian Bables

"I told them I was feeling weak. Humihina ang kapit ko sa noong siguradong rason at purpose kung bakit ko gustong umarte or maybe, somewhere along this chaotic times, the joy of giving life to a character has become unfamiliar."

"I was planning to move to the US. Create a new life or maybe continue to pursue my passion in acting. Dala siguro ng anxieties dahil sa pandemya. But God moves in mysterious ways," pagbabahagi pa ng aktor.

Ang naging senyales at nakapigil umano sa kaniya para tuluyang lisanin ang Pilipinas ay nang makapasok sa official list of movie entries ang 'Big Night'.

"The day I was deciding to book a one way flight to the US, nag-message si Direk Perci, pasok daw ang Big Night sa MMFF. Ipagpaliban ko daw muna ang pag-alis ko, na ang akala ng lahat ng pinagpaalaman ko ay bakasyon lang."

Kaya nang mapanood na raw niya ang pelikula, muling nanumbalik kay Christian ang kaniyang sigla at purpose kung bakit siya umaarte sa harap ng camera.

"When I finally saw our film, I was reminded of my purpose. I was reminded of how fulfilling it is to give life to Dharna. The joy of being the character. And the triumph my heart and soul feels whenever I give voice to the likes of Barbs, Intoy, Samuel, Chef Calix, Iron, etc."

"Hindi ko alam kung ano ang plan ni God, pero isa lang ang naging klaro sa akin. Gusto kong patuloy na makapaghatid ng mga mensaheng makabuluhan through my art. Dito sana sa bansa natin, para sa bansa natin, kung patuloy (na) mabibigyan ng pagkakataon."

Pinasalamatan niya ang pamunuan ng MMFF gayundin ang iba pang mga taong nasa likod nito.

"Again, I want to thank everyone involved in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) Official. To the Board of Jurors, and to the Executive Committee, thank you for recognizing the love I have for the craft. Maraming salamat po sa parangal."

"Kasabay ng pagbubunyi, ay ang pakikiusap na sana po ay patuloy niyong suportahan ang aming pelikula, ang Big Night!, at ang iba pang mga pelikulang kasali sa MMFF."

"For all the Dharna, Intoy, at Barbs out there, this is for you. Maraming salamat po. Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!"

Sa kaniyang acceptance speech ay inialay ni Christian ang kaniyang parangal sa mga biktima ng EJK o extra judicial killings, lalo na sa Oplan Tokhang, lalo't ang karakter na pinoportray niya sa pelikula, ay biktima nito.

"Let me fight with you through my art," aniya.