Hindi na lang isang paraan ng self-expression ang mga nakamamanghang obra ng nagsama-samang humanitarian artists at tatooists matapos ilunsad ang “Arts and Tatoos for a Cause” sa Quezon City nitong Martes.

Larawan mula Roimhie Damiano

Bilang pakikiisa ng komunidad sa malawakang relief operations, ang inisyatiba ay layong makapagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette na nag-iwan ng matinding pinsala sa Visayas at Mindanao.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Larawan mula Roimhie Damiano

Larawan mula Roimhie Damiano

“For those of you who are looking for a way to help the victims of Typhoon Odette, you might consider buying arts and getting tattoos from our humanitarian artists and tattooists. Typhoon Odette wreaked havoc on our island provinces and with inconsistent mobile signals, they are temporary without power and water,” sabi ng grupo.

Liban sa kanilang mga ibinebentang obra at commissioned tattoo services, tumatanggap din ng donasyon ang kanilang pangkat upang tugunan ang pangangailangan sa tubig, pagkain at alternatibong sa kuryente kagaya ng power bank sa mga apektadong lugar.

Sa Quezon City Memorial Circle inilunsad ang inisyatiba mula nitong Martes, Disyembre 28, Martes hanggang December 31, Biyernes.

Maaaring maglagak ng donasyon sa mga sumusunod na paraan:

Gcash: 09690166803

UnionBank: 1094 2883 0850

Roimhie damiano: Paypal via https://www.paypal.me/Roimhie

Sa pinakahuling ulat ng mga owtoridad, higit 300 na ang naiulat na nasawi kasunod ng paghagupit ni Odette sa VisMin.