Malungkot na sasalubungin ng nasa 45 pamilya ang Bagong Taon kasunod ng sunog na sumiklab sa isang palapag na residential area sa Sitio Pingkian 2, Barangay Pasong Tamo, Quezon City nitong Miyerkules, Disyembre 29.

Ayon sa Bureau of Fire Protection Public Information Office (BFP-PIO), itinaas sa unang alarma ang sunog bandang alas-12 ng hatinggabi.

Umakyat ito sa ikalawang alarma bandang 12:18 ng madaling araw at idineklarang under control bandang 1:20 a.m.

Idineklara ng BFP ang fire out dakong 1:21 a.m.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Tinatayang nasa P30,000 ang inisyal na pinsala sa ari-arian.

Wala namang nasugatan o nasawi sa naturang insidente.

Allysa Nievera