Ipinakita na publiko ng TC Candler, England-based critic, ang kanilang '100 Most Beautiful and Handsome Faces of 2021' sa kanilang ika-33 edisyon.

Pasok ang Pilipinong si Daniel Matsunaga sa ika-83 pwesto sa listahan ng Most Handsome Faces.

Narito naman ang listahan ng naggagandahang kalalakihang sumungkit ng 10 pinakamataas na pwesto:

  1. Paing Takhon
  2. Chris Hemsworth
  3. Kim Tae-hyung
  4. Timothee Chalamet
  5. Jeon Jung-kook
  6. Henry Cavill
  7. Lucien Laviscount
  8. Dean Schbeider
  9. Felix Kjellberg
  10. Jason Momoa

Tsika at Intriga

Kuya Kim Atienza, ipinanawagang huwag gawing politikal ang ‘Threads’

Samantala, bagong pasok lamang ngayong taon sina Bella Poarch, ika-95 pwesto, at Janine Gutierrez, ika-78 pwesto.

Pasok pa rin si Liza Soberano, na dati nang itinanghal na 'Most Beautiful Face' taong 2017.

Sa ikapitong taon ni Soberano sa listahan, nasungkit niya ang ika-18 na pwesto ngayong edisyon.

Narito naman ang listahan ng mga naggagandahang kababaihang sumungkit ng 10 pinakamataas na pwesto:

  1. Lalisa Manoban
  2. Emilie Nereng
  3. Halima Aden
  4. Ivana Alawi (pinakamataas na pwesto sa kanyang pangalawang taon sa listahan)
  5. Nancy Jewel McDonie
  6. Yael Shelbia
  7. Chou Tzu-yu
  8. Lyodra Gintin
  9. Jasmine Tookes
  10. Im Jin-ah

Pinili ng kritiko ang mga itinanghal na Most Beautiful and Handsome Faces of 2021 mula sa 800 nominees — 260,000 worldwide celebrities, 2.5 million public nominations.