Maraming nais na mangyari sina Kapamilya loveteam Andrea Brillantes at Seth Fedelin o mas kilala bilang SethDrea, para sa taong 2022.

Sa ginanap na virtual media conference para sa kanilang bagong digital series na 'Saying Goodbye' na kauna-unahang Pinoy digital series na mapapanood sa online streaming platform na 'iQiyi', ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga naiisip hinggil sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ayon kay Andrea, sana raw ay unti-unti nang bumalik ang 'Dating Normal'.

“Sa 2022 I hope mas maging better na ang lahat for all of us. At hindi naman ini-expect na mawala itong COVID kasi ayoko ng umasa," ani Andrea.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“Pero sana pasimula na talaga ang 2022 ng pagbabalik ng dating normal, hindi yung new normal. Sana ang 2022 ang simula ng pagbabalik nung dati, kasi ang dami ko ng nami-miss, eh."

“Miss na miss ko na yung fans ko, yung premiere night, tapos yung Christmas Special ginagawa sa Araneta Coliseum. Ang dami kong nami-miss."

“Kaya sana bumalik na yung mga dating events, yung ABS-CBN Ball, sportsfest, miss ko na. 2022 ayusin mo ‘to. Let’s manifest it."

At naipasok na rin ni Andrea ang kaniyang pananaw tungkol sa matalinong pagboto ng gaya niyang kabataan, sa darating na halalan.

“Sana sa 2022 magkaroon ng pagbabago at maging matalino ang mga Pilipino sa pagboto next year. Sana maging matalino tayong lahat at iboto natin ang taong tingin natin matutulungan tayong lahat ngayong pandemic," aniya.

Ayon naman kay Seth Fedelin, sana raw ay maging mapanuri ang lahat sa darating na halalan. Sana raw ay huwag na huwag tatanggap ng bribe o suhol mula sa mga kumakandidatong politiko, kahit magkano pa ito.

“Guys, huwag tayo tatanggap ng ₱500. Mapapalitan ng bilyon yan. Huwag natin sayangin yung limang daan na 'yun. Payamanin natin yung sarili nating morale. Huwag na natin payamanin yung kung sino man diyan,” aniya.

Naniniwala ang dalawa na kahit maraming naganap sa nakalipas na dalawang taon ay paraan lamang daw ito ng Diyos upang kalabitin ang mga tao.