Nanawagan ang co-producer ng pelikulang 'Kun Maupay Man It Panahon' na si Atty. Joji Alonso sa mga Pinoy moviegoers na tangkilikin naman sana ang mga pelikulang Pilipino, lalo na ang mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2021.

Sa kaniyang acceptance speech kung saan itinanghal na 2nd Best Picture ang pelikula nina Charo Santos-Concio at Daniel Padilla, sinabi niyang pinaghirapan ng lahat ng mga nasa likod ng pelikulang kalahok sa MMFF 2021 ang kanilang mga entries kaya nararapat itong panoorin. Isantabi muna raw ang pagkasabik na mapanood ang ibang foreign movies, partikular ang Spider-Man: No Way Home na ipapalabas na sa mga sinehan sa darating na Enero 8, 2022.

"Para po sa nagsasabi na sana hindi (na ituloy) ang MMFF at mauna na po si Spider-Man, pakiantay na lang po sa January 8, please. In the meantime, tangkilikin naman po natin ang pelikulang Pilipino," sey ng co-producer.

"Sobrang-sobra po naming pinaghirapang lahat ang paggawa ng mga pelikulang ito. Sana naman po huwag n'yo naman kaming pabayaan kasi this is for everybody."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Paano na lang po tayo kapag wala na pong gagawa ng pelikula? So, please, support Filipino films. Salamat po."

Humakot sa 'Gabi ng Parangal' na ginanap nitong Disyembre 27 sa SM Aura ang pelikulang 'Kun Maupay Man It Panahon' samantalang ang 'Big Night' naman ni Christian Bables ang itinanghal na Best Picture. 3rd Best Picture naman ang 'A Hard Day' nina John Arcilla at Dingdong Dantes.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/28/alamin-mga-nagsipagwagi-sa-mmff-gabi-ng-parangal-2021/

Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas ang pamunuan ng MMFF 2021, hinggil sa opisyal na ranking o kung magkano na ba ang kinita ng bawat pelikula.