Ang taunang blessing ng mga replika ng mapaghimalang Itim na Nazareno ay nagsimula na nitong Lunes, Disyembre 27 at gaganapin hanggang Miyerkules, Disyembre 29, sa Minor Basilica ng Itim na Nazareno o Quiapo Church sa Maynila.

Ani Quiapo Chruch parochial vicar Fr. Douglas Badong, ang tradisyunal na pagbabasbas ay gaganapin sa loob ng tatlong araw ngayong taon upang maiwasan ang siksikan.

“We will have a three-day blessing of replicas instead of only one day in order to avoid crowding and to follow social distancing,” pagsasaad ni Fr. Badong.

Dagdag ng Church leader na nagsimula na rin silang magpadala ng mga larawan ng Itim na Nazareno sa mga probinsya mula nitong Lunes. Isang replica ng kagalang-galang na imahe ang ipinadala sa Atimonan, Quezon noong Disyembre 27 at sa Baguio Cathedral noong Disyembre 28.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Bilang pag-iingat laban sa posibleng hawaan ng coronavirus disease (COVID-19), naunang inanunsyo ng Quiapo Church ang pagkansela ng taunang Traslacion procession sa susunod na taon, na noo'y taun-taong dadaluhan ng milyun-milyong deboto.

Sa darating na Disyembre 30, isasagawa ng Quiapo Church ang taunang thanksgiving motorcade procession. Sinabi ni Badong na maaaring magsindi ng kandila ang mga deboto sa bangketa sa ruta ng prosisyon.

Samantala, ang mga banal na misa sa Quiapo Church ay gaganapin sa Biyernes, Disyembre 31 mula alas-5 ng gabi. Ang misa ng Bagong Taon ay ipagdiriwang sa ika-8 ng gabi.

Christina Hermoso