Umaabot na sa 38 ang bilang ng newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) na na-ideploy ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mainline nito.

Nabatid na ito'y matapos na  madagdagan ng isa pa ang mga tren ngayong Disyembre 2021.

Ayon sa MRT-3, nai-deploy ang bagong overhaul na LRV o train car matapos sumailalim sa tagumpay na serye ng mga quality checks at speed tests.

Sa kasalukuyan, 34 na lamang sa 72 na bagon ng MRT-3 ang naka-schedule ma-overhaul ng maintenance provider ng linya. Ang isang tren ay binubuo ng tatlong bagon. 

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Nasa 17 hanggang 21 tren naman ang tumatakbo sa kasalukuyan sa mainline ng MRT-3.

Ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakan at komprehensibong rehabilitasyon ng linya. 

Nananatili pa rin namang nasa 70% ang passenger capacity ng mga tren, na may katumbas na 276 na pasahero kada train car, 827 na pasahero kada train set.

Upang mapanatiling ligtas ang biyahe ng mga pasahero, mahigpit na ipinatutupad ang minimum public health and safety protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal kumain, uminom, makipag-usap sa telepono, at magsalita sa loob ng mga tren. 

Mahigpit ding ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask samantalang boluntaryo ang pagsusuot ng face shield.

Mary Ann Santiago