May kabuuang 6,221 illegal drugs personalities ang napaslang habang 13,996 drug suspects ang naaresto mula nang maglunsad si Pangulong Duterte ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa datos nito noong Hulyo 1, 2016 hanggang Nob. 30, 2021 “Real Numbers," nabanggit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sa kabuuan ay 319,929 na suspek ang naaresto sa 221,657 na operasyon na isinagawa ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga.

Kasama sa bilang ang 6,158 high value targets (HVTs) na naaresto mula sa high impact operations, 3,830 target-listed suspects, 1,449 drug den maintainers, 796 drug group leaders/miyembro, 511 government employees, 394 elected officials, 349 foreigners, 284 kasama sa wanted lists, 126 uniformed personnel, 75 armed group members at 24 porminenteng personalidad.

Nitong Nobyembre ngayong taon, ipinakita ng pinagsana-samang ulat na nahuli ng mga awtoridad ang 4,086 menor de edad, na hinati sa 2,421 na tulak; 967 may-ari; 438 mga gumagamit; 229 bisita ng drug den, 17 empleyado ng drug den, dalawang cultivator, isang clan lab employee, at dalawang runner

National

Marce, nag-landfall na sa Sta. Ana, Cagayan!

Matapos ang mga pagdinig sa korte, binanggit ng Department of Social Welafre and Development (DSWD) na ang mga menor de edad ay ilalagay sa pangangalaga ng Bahay Pag-asa centers ng mga lokal na pamahalaan sa loob ng walong oras na kustodiya ng pulisya bago ipaadadala sa kanila.

Nilinaw din ng DSWD na hindi ikukulong ang menor de edad kasama ang mga may matinding pagkakasala.

Sa nasabing anti-illegal drug raids, may kabuuang 982 drug dens ang nalansag na may 18 sikretong shabu laboratories kasabay ng P74.30 bilyon na iba’t ibang ilegal na droga na kinabibilangan ng P62.35 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska.

Hindi bababa sa 23,686 sa 42,045 na barangay ang idineklarang drug-cleared noong Agosto 31 habang 11,730 ang nananatiling may presensya ng ilegal na droga.

Nakamit na ng mga barangay ang drug-cleared status matapos maglabas ng sertipikasyon ang Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Program.

Samantala, tiniyak ng PDEA na mayroong safety nets kung saan ang kaligtasan ng mga ahente nito ang pangunahing prayoridad sa pagsasagawa ng anti-drug operations ng ahensya.

Chito Chavez