Nanawagan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mahigpit na pagsunod sa mga health protocol matapos matukoy ang pagtaas ng aktibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19 sa Maynila mula Sabado, Disyembre 25, hanggang Linggo, Disyembre 26.

Sa weekend ng Pasko, kabuuang 91 aktibong kaso ng COVID-19 ang naobserbahan noong Linggo, Disyembre 26, na tumaas ng 13 kaso kumpara sa dating 78 noong Biyernes, Disyembre 24.

Ayon sa campaign team ni Domagoso, ipinatupad ang granular lockdown sa mga sumusunod na distrito ng Maynila na nagpakita ng pagtaas ng impeksypn sa COVID-19 noong Disyembre 26: Tondo 1 (29 na kaso). San Andres (12), Pandacan art Sampaloc, na may pitong kaso bawat isa.

“Ang lockdown naman po, katulad ng polisiya ng IATF (Inter-Agency Task Force), kapag medyo nagkakaroon ng konting kapabayaan at lumalago ‘yung COVID infection sa isang lugar, eh normal po na i-lockdown ‘yung isang area. So, we would continue to have those kinds of surgical lockdown kasi ang gusto natin, makapagbukas ang negosyo, makapagtrabaho ang tao, makapag-hanapbuhay, unti-unti tayong mag-normalize,” ani Domagoso sa DZRH.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Batay sa pinakahuling ulat mula sa Manila Public Information Office, noong Martes, Disyembre 28, karamihan sa mga kaso na ito ay natukoy sa mga sumusunod na distrito: Tondo 1 – 31 kaso, San Andres – 11 kaso, at Pandacan – pitong kaso.

“Pero kailangang maging responsable rin tayo. Kailangan magsuot pa rin tayo ng face mask.  The mask is a must. ‘Yun lang kailangan natin. Tapos magpabakuna tayo,” ani Domagoso.

Seth Cabanban