Halos 180 na mga Pilipino mula sa Saudi Arabia at iba pang bahagi ng Europa ang nakabalik na kamakailan sa Pilipinas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagbalik-bansa ang mga ito noong Disyembre 24 sakay ng isang chartered flight na pinangunahan ng gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Jeddah at Philippine Embassy sa Riyadh.

Ayon sa DFA, kabilang sa mga pasahero ang mga menor de edad, isang sanggol, dalawang buntis, isang sanggol, isang mayroong medikal case habang ang iba ay mga distressed na Pilipino mula sa ilang dayuhang bansa.

Ibinunyag ng DFA na marami sa mga repatriate ang nawalan ng tirahan kasunod ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi pa ng DFA na ang chartered flight ay umalis mula sa Jeddah, Saudi Arabia at nagtungo sa Dubai para kunin ang mga distressed na mga Pilipino mula sa Europe, partikular na ang mga nasang bansa sa Europa na itinuturing bilang COVID-19 “red” at “yellow” zones.

Bago ang batch na ito, may kabuuang 354 distressed at stranded overseas Filipino ang naiuwi rin mula sa Saudi Arabia noong Disyembre 23.

Tiniyak ni Consul General Edgar Tomas Auxilian sa mga repatriate na “ginagawa ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat ng makakaya para ligtas na maiuwi ang mga distressed overseas Filipino na nawalan ng trabaho sa kanilang host country o ang mga wala nang paraan para makabalik sa Pilipinas.”

Mula nang tumama ang pandemya sa Kingdom of Saudi Arabia, nasa 4,000 na distressed na mga Pilipino sa Jeddah at Western Region ng Saudi Arabia ang matagumpay na naiuwi sa Pilipinas sa pamamagitan ng chartered airline flights.

Betheena Unite