Nakapagtala ang Department of Health ng 421 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ngayong Martes, Disyembre 28.
Umabot na sa 2,839,111 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa at pumalo sa 9,790 ang aktibong kaso.
Sa aktibong kaso, 489 ang walang sintomas, 3,766 ang mild symptoms, 3,343 ag moderate, 1,178 ang severe, at 374 ang kritikal.
Dalawang pasyente naman ang namatay dahil sa sakit sanhi upang umabot sa 51,213 ang kabuuang bilang ng namatay.
Gayunman, 248 naman ang gumaling sa sakit kaya't umabot sa 2,778,148 ang recovery cases.
Analou de Vera