Habang patuloy na hinahanap ng pamilya Maguad ang ama ng suspek na si "Janice," nanawagan naman Si Cruz Maguad, ama ng magkapatid na Maguad,kay Senador at vice presidential aspirant Kiko Pangilinan.

Basahin:https://balita.net.ph/2021/12/25/ama-ni-janice-pinaghihinalaang-may-kinalaman-sa-pagpatay-sa-maguad-siblings/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/25/ama-ni-janice-pinaghihinalaang-may-kinalaman-sa-pagpatay-sa-maguad-siblings/

Sa isang Facebook post noong Linggo, Disyembre 26, humihingi ng tulong si Cruz kay Pangilinan dahil sa karumaldumal na pagpatay sa kanyang mga anak na sinaCrizzle Gwynn atCrizville Luois Maguad.

"Senator pangilinan nanawagan po ako sa inyo ano pong tulong ang maibibigay nyo sa akin sa nangyaring karumaldumal na pagpatay ng menor de edad sa dalawa kong inosenteng anak...please tulungan po ninyo ako," ani Cruz.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

screengrab mula sa Facebook post ni Cruz Maguad

Naging matunog umano ang pangalan ni Pangilinan nang umusbong ang balita tungkol sa pagpatay sa magkapatid na Maguad at ang pag-amin sa krimen ng menor-de-edad na suspek.

Isa si Senador Kiko Pangilinan sa mga senador na kumontra na huwag babaan ang criminal age responsibility sa siyam na taong gulang.

Inaprubahan ng House justice committee noong 2019 ang bill na ibaba ang criminal age responsibility sa 9 na taong gulang mula sa 15 taong gulang.

Si Pangilinan ang nag-akda ng batas na nagtatakda ng criminal age liability na hanggang 15 taong gulang.

Matatandaan na noong Disyembre 10 dakong alas-2:00 ng tanghali naganap ang pagpatay sa magkapatid na Maguad.

Naging isa sa persons of interest at material witness si “Janice” dahil siya ang kasama ng mga biktima at ang tanging nakaligtas.

Noong Disyembre 16 naman, umamin si “Janice” sa pagpatay sa magkapatid.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/