Pinangalanan na ang mga nagsipagwagi sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal 2021, na ginanap sa Samsung Hall SM Aura Premier, Bonifacio Global City, Taguig, Disyembre 27.

Narito ang listahan ng mga nanalo sa nasabing parangal:

Best Picture: Big Night!

2nd Best Picture: Kun Maupay Man It Panahon

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

3rd Best Picture: A Hard Day

Best Actress in a Leading Role: Charo Santos (Kun Maupay Man It Panahon)

Best Actor in a Leading Role: Christian Bables (Big Night!)

Best Actress in a Supporting Role: Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon)

Best Actor in a Supporting Role: John Arcilla (Big Night!)

Best Director: Jun Robles Lana (Big Night!)

Best Screenplay: Big Night!

Best Editing: Lawrence Fajardo - A Hard Day

Best Cinematography: Carlo Canlas Mendoza (Big Night!)

Best Production Design: Juan Manuel Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon)

Best Visual Effects: Mofac Creative Studio Works, Hue Media, Quantum Post at Ogie Tiglao (Kun Maupay Man It Panahon)

Best Sound: Albert Michael Idioma (A Hard Day)

Best Musical Score: Teresa Barrozo (Big Night!)

Best Original Theme Song: 'Umulan Man o Umaraw" (Huling Ulan sa Tag-Araw)

Special Jury Prize: Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon)

Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award: Kun Maupay Man It Panahon

Fernando Poe Jr. Memorial Award: A Hard Day

MMFF Creator Jury's Choice Award (FB Creators Exhibit): Kandado ni Pio Balbuena

Manay Ichu Vera Perez Maceda Memorial Award: Rosa Rosal

Natatanging Gawad MMFF: Danilo Lim at Bienvenido Lumbera

Gender Sensitivity Award: Big Night!

Best Float Award: Huwag Kang Lalabas

Basahin: Anong MMFF 2021 movie entry kaya ang nanguna sa takilya?

Sa gitna ng pagpaparangal, naglabas naman ng saloobin si Atty. Joji Alonso, co-producer ng Kun Maupay Man It Panahon.

Aniya, "Para po sa nagsasabi na sana hindi [na] natuloy ang MMFF at mauna na po si Spider-Man, pakiantay na lang po sa January 8, please. In the meantime, tangkilikin naman po natin ang pelikulang Pilipino."

Hinikayat naman ng co-producer ang publiko na suportahan ang mga pelikulang Pilipino.

"Sobrang-sobra po naming pinaghirapang lahat ang paggawa ng mga pelikulang ito. Sana naman po huwag niyo naman kaming pabayaan kasi this is for everybody. Paano na lang po tayo kapag wala na pong gagawa ng pelikula. So, please, support Filipino films. Salamat po," ani Alonso.