Mahigit P67 milyong pondo ang ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa may limang ahensya ng pamahalaan nitong Martes bilang mandatory contributions.

Pinangunahan nina PCSO Assistant General Manager for Charity Sector Julieta Aseo at Assistant General Manager for Branch Operations Sector Atty. Lauro Patiag ang turn-over ng P67,074,210.96 na tseke sa mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Dangerous Drugs Board (DDB), Commission on Higher Education (CHED) at sa Philippine Sports Commission (PSC), na isinagawa sa PCSO Parking area, Conservatory Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Nabatid na ang PNP ay tumanggap ng P25,877,837.88; habang ang CHED ay tumanggap ng P24,672,535.90; P9,608,217.20 naman sa DDB; P6,764,003.19 naman sa NBI at P151,616.79 naman sa PSC.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, sa pamamagitan ng naturang mandatory contributions, natutulungan ng PCSO, hindi lamang ang mga indibidwal na nangangailangan ng tulong medikal, kundi nabibigyan rin ng pondo ang mga government institutions.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Paglilinaw naman ni Garma ang naturang charity share ay bilang suporta sa medical at health programs ng mga naturang ahensya, at hindi financial support para pondohan ang kanilang daily operations.

Dagdag pa ni Garma, magagawa lamang nilang sustenahan ang kanilang financial commitments sa iba't ibang institusyon, gaya ng mandatory contributions, kung patuloy silang makakakalap ng mas maraming revenue sa pamamagitan ng kanilang 'Larong May Puso' gaya ng small town lottery (STL), lotto, Keno at Scratch-it tickets.

Hinikayat rin niya ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga naturang palaro upang mas marami silang mamamayang matulungan.

Mary Ann Santiago