Miss na ni 'Pambansang Krung-Krung' at K-Pop superstar Sandara Park ang Pilipinas, kaya ang wish niya nitong Christmas, sana raw ay makabalik na siya rito at makapag-show na siya.

"2 yrs. na ako hindi nakapunta sa Phil. Kelan ba last show ko sa Phil?! Parang di ko na naalala, and mga shows ngayon puro untact. Ang Christmas wish ko is to go back to Phil and be onstage again with you guys," saad ni Dara sa kaniyang Twitter account sa araw mismo ng Pasko, Disyembre 25.

Screengrab mula sa Twitter/Sandara Park

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Agad namang nagbigay ng reaksyon at komento rito ang mga netizen. Marami rin ang nag-wish na sana naman daw ay makasama ni Sandara sa isang collaboration ang mga sikat na P-Pop Idols ng Pinas ngayon, gaya ng BGYO, Bini, at SB19.

"We miss you Krungy baka naman if you have time, you can react to the growing community of P-Pop idols here in the Philippines, like BGYO and BINI who are under Star Magic, we would like to hear your thoughts as a senior idol! Love you Krungy!"

"Hope you be with @SB19Official pag nasa Pinas ka na. Cross finger. Yun ang project mo na una."

"Miss ka na rin namin ati. Nandito lang naman kami waiting & always supporting hihi."

Image
Sandara Park (Larawan mula sa Twitter)

Image
Sandara Park (Larawan mula sa Twitter)

Unang nakilala si Sandara Park bilang kalahok at finalist sa season 1 ng 'Star Circle Quest', ang artista search reality show ng ABS-CBN noong 2004, kasabayan at katapat ng hit artista search reality show na 'Starstruck' ng GMA Network. Naging katambal ni Dara ang grand questor nitong si Hero Angeles, kaya nabuo ang tambalang 'Herosan'.

Nakagawa rin siya ng pelikula gaya ng 'Can This Be Love' at 'Bcuz of U' kung saan nanalo siya bilang 'Best New Actress' sa 21st PMPC Star Award for Movies.

Sumikat nang husto hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa kaniyang bansa si Dara noong 2009 bilang miyembro ng K-pop group na '2NE1', na isa sa mga 'best-selling girl groups of all time' bago ito na-disband noong 2016.

Ang huling TV appearance niya sa Pilipinas ay nang maging hurado siya sa singing reality show na 'Pinoy Boyband Superstar' noong 2015 sa ABS-CBN, kasama sina Aga Muhlach, Yeng Constantino, at Vice Ganda hosted by Billy Crawford. Sina Niel Murillo, Russell Reyes, Ford Valencia, Tristan Ramirez at Joao Constancia ang mga nagwagi na tinawag na 'BoybandPH'.

Pinoy Boyband Superstar Grand Reveal: Sandara Park & Grand Finalists -
Screengrab mula sa YT

Hindi rin malilimutan ng K-Pop fans ang pag-perform ni Dara ng hit song niyang 'Kiss' kasama ang BoybandPH.