Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na naitala na nila sa bansa ang ikaapat na kaso ngOmicron variant ng COVID-19.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pasyente ay isang 38-anyos na babae na bumiyahe sa Estados Unidos.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pasyente noong Disyembre 10, lulan ng Philippine Airlines PR 127.

Noong Disyembre 13, nakitaan siya ng mga sintomas ng sakit, gaya nang pangangati ng lalamunan at sipon.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Nabatid na ang pasyente ay asymptomatic na nang payagan itong lumabas sa isolation facility noong Disyembre 24.

Kasalukuyan pa rin umano siyang naka-home isolation.

Mary Ann Santiago