Nilinaw ng socialite-actress na si Gretchen Barretto na fake news o hindi totoo ang kumakalat na quote card ng businessman at malapit na kaibigan niyang si Charlie 'Atong' Ang, laban kay presidential aspirant at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. o mas kilala bilang BBM.

Nakasaad sa kumakalat na quote card na sinabi umano ni Atong na "Mas may tsansa ka pang manalo sa online sabong kaysa itaya mo kinabukasan mo kay Bongbong Marcos. Pinaglololoko lang kayo ng BBM na 'yan." May nakalagay na malaking label na 'FAKE NEWS' ito.

Atong Ang (Screengrab mula sa IG/Gretchen Barretto)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi umano nakikialam sa mga usaping politikal ang negosyante. Maglalabas din umano si Atong ng opisyal na pahayag hinggil dito.

"FAKE NEWS! HINDI NAKIKIALAM SA POLITICS SI MR. CHARLIE ATONG ANG. ITO AY GAWAIN NG AMING KALABAN SA NEGOSYO," ayon sa caption ng kaniyang IG post.

"To my friends kindly REPOST THIS @pitmastercare. Mr. Ang will make a live statement tomorrow," dagdag pa ni Gretchen.

Sina Gretchen at Atong ay malapit na magkaibigan. Ilang beses na ring naiisyu na may lihim silang relasyon na higit pa sa pagkakaibigan, subalit ilang beses na rin nila itong itinanggi, lalo na sa kasagsagan ng 'word war' na naganap sa pagitan ng mga Barretto sisters noong 2019.