Mahigit P99.6 milyong-halaga ng tulong ang ipinaabot na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Ayon sa tagapagsalita ng DSWD na si Irene Dumlao, ang tulong ng DSWD ay umabot sa P99.664,449.37 sa pagbabanggit nito sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) nitong umaga ng Disyembre 27, Lunes.

Aniya, ang kabuuang tulong na ipinaaabot sa mga nasalanta ay umabot sa mahigit P130.14 milyon.

“As of 6 a.m. today (Dec. 27), available data shows that a total of P130,147,579.57 worth of assistance was provided to the affected families, of which, P99,664,449.37 from the DSWD,” ani Dumlao sa isang Viber message.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag niya, mahigit P30.13 milyon ang ipinagkaloob ng local government units (LGUs), mahigit P1.07 milyon mula sa non-government organizations (NGOs) at P12,500.00 mula sa iba pang partners.

Batay sa ulat ng DROMIC, may available stockpiles at standby funds ang DSWD na aabot sa mahigit P957.27 milyon.

Mula Disyembre 26, ang kabuuang pondo ng ahensya ay nasa P127.27 milyon. Dito, P57.04 milyon ang inilaan bilang quick response fund (QRF) na makukuha sa DSWD Central Office at P70.23 milyon sa Field Offices.

Nasa P830.03 milyon halaga naman ng available stockpiles ang mayroon ang DSWD. Kabilang dito ang P423.51 milyon na non-food items (NFIs) at P216.34 milyon na halaga ng iba pang food items.

May kabuuang 296,479 family food packs (FFPs) na nagkakahalaga ng P190.18 milyon ang magagamit para ipamahagi sa mga LGUs na nangangailangan ng resource augmentation support.

Charissa Luci-Atienza