Nagtala ang Department of Health (DOH) nitong Lunes, Disyembre 27, ng karagdagang 318 na kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Dahil dito, umabot na sa 2,838,792 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa mula noong simula ng pandemya.
Sinabi ng DOH na ang aktibong kaso ay nasa 9,579 o 0.3 percent ng kabuuang bilang ng mga kaso. Sa bilang, 3,644 ang mild ang lagay, 3,339 ang katamtaman, 1,777 ang malala, 445 ang asymptomatic habang 374 ang nasa kritikal na kondisyon.
Nag-ulat din ang ahensya ng 255 na bagong recoveries na nagdala sa kabuuang bilang sa 2,778.002 o 97.9 percent ng kabuuang bilang, habang 11 pa ang nasawi sa sakit na nagdala ng kabuuang bilang ng mga nasawi sa 51,211 o 1.80 percent ng kabuuang bilang ng mga kaso.
Sa kabilang banda, sinabi ng DOH na hindi na ito maglalabas ng COVID-19 case bulletin simula Enero 1, 2022.
Sinabi nito sa isang pahayag na magbibigay ito ng arawang update sa kaso sa pamamagitan ng www.doh.gov.ph/covid19tracker na araw-araw ia-update pagpatak ng alas-4 ng hapon.
“This public tracker which has been operational since the start of the pandemic, contains all information being provided in the case bulletin and daily situation report,” sabi ng DOH.
“Rest assured that the DOH will continue to provide the public with the latest information regarding the COVID-19 situation along with other equally important health programs,” dagdag nito.
Samantala, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing na ang pandemic curve ng bansa ay nagpakita na ang kasalukuyang seven-day average daily cases ay nasa 307 bagong kaso kada araw. Gayunoaman, ang average na mga kaso ay higit na bumaba sa kamakailang linggo sa limang kaso o mas mababa ng dalawang porsyento.
“Nationally, we remain at minimal risk case classification with a negative two-week growth rate at negative 36 percent and a low-risk average daily attack rate at .28 cases for every 100,000 individuals,” sabi ng health official.
“Note that the decline in two week growth rate in the recent one to two weeks was lower at negative 36 percent versus the negative 59 percent reported three to four weeks ago,” dagdag niya pa.
Binanggit din ni Vergeire na ang kapasidad ng National Health Systems ay nananatiling nasa low risk na may kabuuang bed utilization sa 16 percent at Intensive Care Unit (ICU) utilization sa 17 percent.
Binalaan din ng DOH ang walong lugar na positibo ang isang linggo at dalawanng linggong growth rate. Lima sa mga ito ay mula sa National Capital Region (NCR), dalawa mula sa Region 11 at isa mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Mayroon ding 31 lalawigan, highly-urbanized cities at independent component cities na positibo ang one-week growth rate ngunit hindi pa ang kani-kanilang two-week growth rates, ayon sa DOH.
Dhel Nazario