Nilinaw ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na hindi pa nagsisimula ang COVID-19 vaccination para sa mga batang nasa 5-11 taong gulang pa lamang.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na inihahanda pa lamang nila ang rollout ng mga bakuna para sa naturang age group.

Ayon pa sa DOH, iaanunsiyo ng National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC) kung kailan ang eksaktong petsa nang pagbabakuna, sa sandaling available na ang mga COVID-19 vaccines at syringes na akma para sa mga batang 5-11 taong gulang pa lamang.

Kaugnay nito, inirekomenda ng DOH na habang hinihintay pa ang petsa nang COVID-19 vaccine rollout, ay kumpletuhin muna ang routine immunization ng mga bata upang maprotektahan sila mula sa mga mas nakahahawa at nakamamatay na karamdaman, gaya ng measles, rubella, tetanus at diptheria.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mary Ann Santiago