Nasamsam ng mga operatiba ng Zamboanga police at PDEA ang P6.8-milyong halaga ng shabu mula sa isang dating miyembro ng Philippine Army at dalawa sa kanyang mga kasamahan sa Zamboanga City nitong Linggo, Disyembre 26.

Ayon kay Zamboanga Police Station 11 Commander P/Maj. Chester Natividad, naaresto ang 51-anyos na si Ekong y Daim, dati ring kasapi ng Mofro National Liberation Front, sa isang buy-bust operation sa Barangay Upper Calarian alas-6 ng umaga.

Dalawa sa mga kasamahan ni Ekong na sina Darwisa Ibbo y Sahi at Toto Samson y Abdulla, ay naaresto rin sa operasyon. Ang mga suspek ay residente ng Jolo, Sulu,

Nakuha ng mga pulis ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nakabalot sa isang packing tape, boodle money at mga personal na gamit ng mga suspek.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Natividad na ang pag-aresto ay resulta ng isang buwang pagbabantay sa mga suspek batay sa tip mula sa mga impormante.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa 2002 Comprehensive Drugs Act.

Liza Abubakar-Jocson