Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes, Disyembre 28.
Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga sa Martes, magbababa ito ng P0.85 sa presyo ng kada litro ng kerosene, P0.65 sa presyo ng diesel at P0.20 naman sa presyo ng gasolina.
Agad sumunod ang Seaoil, Petro Gazz, at Cleanfuel sa pagpapatupad ng kaparehong bawas-presyo sa kanilang petrolyo.
Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Bella Gamotea