Nakakulong ang isang baguhang pulis matapos umano’y manggahasa sa isang 18-anyos na dalagita sa loob ng bahay sa Laguna kung saan sila nag-inuman noong Linggo, Disyembre 26.

Sumuko ang pulis matapos ang reklamong inihain laban sa kanya sa Sta. Maria Municipal Police Station.

Sinabi ng biktima sa mga imbestigador na nagpunta ang baguhang pulis sa kanilang bahay para makipag-inuman. Nang makaramdam ng pagkahilo, nakatulog umano siya at nagising na lang nang puwersahin siyang makipagtalik ng pulis.

Dagdag ng biktima, sinubukan niyang itulak ang pulis ngunit binantaan umano siyang papatayin nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“This is a very unfortunate report. We are doing our best effort to search for the police officer involved. We will make sure that this will be a fair and speedy investigation,” ani Gen. Dionardo Carlos, hepe ng Philippine National Police (PNP).

Aniya pa, nagsimula na rin mag-imbestiga ang Internal Affairs Sevices (IAS) ng PNP sa administratibong aspeto ng kaso.

“We are also asking the witnesses to cooperate in the investigation to shed light to the case,” sabi ni Carlos.

Aaron Recuenco