Isinagawa ng Syrian vlogger ngunit may pusong Pinoy na si Basel Manadil, na kilala sa tawag na 'The Hungry Syrian Wanderer', ang kaniyang taunang pamamahagi ng pagkain sa mga taong maaabutan sa lansangan, sa bisperas ng pagdiriwang ng Pasko o noche buena.
Sa kaniyang Instagram post, makikita ang kaniyang mga litrato kung saan personal siyang niluluto ang pansit bihon sa isang malaking kawa, at paglalagay nito sa loob ng mga styrofoam.
"My yearly Christmas Eve, while the rest of the world is busy getting ready to go out somewhere, busy cooking and dining with their loved ones and family, others may enjoying their holiday vacation somewhere nice, here I am busy preparing a hot meal---a PANCIT BIHON for this YEAR! For our less fortunate Kababayans, homeless, public servants who are on duty and stray animals," ayon sa kaniya.
Ayon kay Manadli, na kilala sa kaniyang pagtulong sa mga Pilipinong nangangailangan, pangarap niya balang araw na wala na siyang nakikitang tao na kumakalam ang tiyan sa gutom.
"My dream is wala ng matutulog nang gutom at walang laman ang tiyan. I hope our simple pansit bihon will make someone's Christmas Eve a little bit special tonight. Spread love! Happy Holidays po sainyong lahat!" aniya.
Bukod sa pansit bihon, sinamahan niya pa ito ng tinapay at hotdog na nakatuhog sa stick at may marshmallow sa dulo.
Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizen.
"Merry Christmas Sir… stay healthy… Thank you for your concern for our less fortunate kababayans…"
"Beautiful heart idol, thank you… buti ka pa big heart thinking other homeless thanks."
"Mabuhay ka Basil… hulog ka ni Allah… Allah bless you more…"
"You are very kind-hearted to our beloved countrymen. Allah will bless you more!"