Matumal ang muling pagbabalik sa big screen ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Matapos ang isang taon, balik-sinehan na ang naging tradisyon ng ilang pamilyang Pilipino sa taunang pasko, ang panunuod ng entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Subalit kung noon ay dinudumog at mahaba ang pila sa mga sinehan, ibang eksena ang napansin ngayong taon.

Sa ulat ni MJ Felipe sa TV Patrol nitong Sabado, Dis. 25, matumal ang naging pagtangkilik ng mga tao sa ilang mga kilalang sinehan sa Makati, Mandaluyong, at Quezon City.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikula; sinong leading man?

Mahigpit pa rin na ipinatutupad ang ilang protocols sa pagpasok sa mga sinehan kabilang ang hiwa-hiwalay pa ring mga upuan, pagbabawal sa pagdadala ng pagkain at hindi pagpapapasok ng mga hindi ganap na bakunadong indibidwal.

Walong materyal ang pasok ngayon sa MMFF 2021.

Matatandaang online streaming ang naging paraan ng pamunuan ng MMFF nitong nakaraang taon bilang pag-iingat sa hawaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa mga sinehan.