Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pananatili ng mga kamag-anak ng pasyente sa mga ospital bilang pag-iingat laban sa coronavirus disease (COVID-19). Sa kabila nito, hindi napigil ang pamunuan ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) upang ipadama ang pasko sa kanilang mga pasyente na nawalay sa kanilang mahal sa buhay.
Suot ang face mask at face shield, sinadya ng ng isa hanggang dalawang tauhan ng ospital ang mga pasyente at inabutan ang mga ito ng regalo.
Sa ibinahaging mga larawan ng ospital sa isang Facebook post nitong Disyembre 25, bagaman nakasuot ng face mask, makikita ang saya sa mga mata ng mga pasyente.
Ayon sa ospital, binigyan ng “special gifts” ang mga admitted patients ng ospital sa Quezon at Bonifacio Global City sa Taguig.
“Christmas is the season of joy and giving. To share the spirit of Christmas, our admitted patients in Quezon City and Global City were visited and given special gifts,” sabi ng St. Luke’s.
“This is our own little way of ensuring patients feel the Christmas spirit even away from family. Merry Christmas everyone!” dagdag nito.