Isang linggo matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette sa isla ng Siargao, aabot na sa halos 100 ng bilang ng mga nakararanas ng diarrhea sa lugar kasunod ng kawalan ng pinagkukunang malinis na inuming tubig.

Ilang residente nga ng isla ang napilitang magpasko sa Siargao District Hospital, ang tanging pagamutan na nagserserbisyo sa isla matapos ang outbreak ng diarrhea sa isla.

Kasalukuyang aabot na sa halos 100 pasyente ang naisugod sa nasabing ospital isang linggo matapos padapain ng Bagyong Odette ang isla. Apat dito ang nasawi na dahil sa sakit.

Ang bilang ay labis para sa 30-bed capacity lang na ospital.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Teyorya ng ilang health official sa isla, dahil sa kawalan ng malinis na inuming tubig, napipilitin na lang umano ang mga residente na uminom sa mga deep well o tubig mula sa bundok.

“Kasi galing sa mga island barangays, walang masasakyan kasi malalaki ang alon, yung mga pump boat nila sira, pagdating nila dito, severely dehydrated na. Nag-outbreak na talaga ang diarrhea dito sa Siargao. They have no choice, uhaw na uhaw na talaga sila. They just have to drink sa yung mga sabi nila mga deep well o yung iba sa mountain,” ani Siargao District Hospital Chief Dr. Estrelina Tan sa isang panayam sa ANC.

Samantala, sa pagtatala ni Siargao Congressman Francisco Jose II, nasa 19 na ang bilang ng mga nasawi sa isla kasunod ng pagbayo ni Odette.