Inatasan na ni Gen. Dionardo Carlos, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang mga police commander sa buong bansa na paghandaan ang pagbabakuna ng 5-11 taong-gulang na mga bata laban sa coronavirus disease (COVID-19) na inaasahang magsisimula sa susunod na buwan.

Ito’y matapos mangako ang PNP na tutulong sa pediatric vaccination na isasagawa ng Department of Health (DOH).

“This will be crucial since we are dealing with the younger segment of the population but the PNP has already a template in place,”ani Carlos.

Nagsagawa na ang PNP ng pagbabakuna sa mga tauhan at dependent ito simula noong Marso nitong taon nang ilunsad ang gobyerno ang vaccination drive. Nagpadala rin ito ng mga medical team para tumulong sa pagbabakuna sa mga probinsya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tiniyak ni Carlos ang pagkakaroon ng mga trained vaccinators mula sa PNP Medical Reserve Force na nagsilbi na rin sa mga naunang programa ng gobyerno sa pagbabakuna.

“We remind the parents or guardians who shall accompany the children to always be watchful and be an example in following the minimum public health standards,” sabi ni Carlos.

“The PNP will assist in the unhampered delivery and transport of the vaccines to designated venues and augment medical personnel and possible additional venues to cater to more children who will receive the jabs,” dagdag nito.

Aniya pa, naghihintay lang ng direktiba ang PNP sa pamamaraan ng susunod na bugso ng mass vaccinations.

Aaron Recuenco