Iniulat ng independiyenteng monitoring group na OCTA Research Group na ang lungsod ng Maynila ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 noong araw ng Pasko, mula sa mga lungsod at munisipalidad sa bansa.

Batay sa datos na inilabas ni OCTA Fellow Dr. Guido David, nabatid na noong Disyembre 25, ang Maynila ay nakapagtala ng 58 bagong kaso ng COVID-19.

Base na rin aniya ito sa datos na awtomatikong ini-extract mula sa data drop ng Department of Health (DOH).

Sumunod naman ang Quezon City, na nakapagtala ng 25 bagong kaso; Las Piñas, na may 20 new cases; Zamboanga City at Davao City na may tig-13; Makati at Pasay Cities na may tig-11; Mandaluyong at Taguig Cities na may tig-10.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kasama rin sa listahan ang San Juan City na may 9 na bagong kaso; Parañaque na may 8; Janiuay sa Iloilo, at mga lungsod ng Navotas, Caloocan at Pasig, na may tig-7; mga lungsod ng Antipolo, Marikina at Bacolod na may tig-6 at Muntinlupa na nakapagtala ng limang bagong kaso.

Nilinaw naman ni David na ang anumang discrepancies sa datos ay dahil sa error, reporting lag at iba pa, na dapat i-addressed sa DOH.

“LGUs with the highest cases on 12.25.21. Data was automatically extracted from DOH DataDrop. Any discrepancies in data due to error, reporting lag etc should be addressed to DOH,” aniya pa.

Matatandaang noong araw ng Pasko, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng kabuuang 2,838,381 COVID-19 cases, kabilang dito ang 2,777,818 recoveries at 51,187 deaths.

Mary Ann Santiago