Inulan ng batikos ang presidential aspirant at 'labourer representative' mula sa netizens at ilang 'Kakampinks' sa inilabas nitong Christmas family photo kahapon, Disyembre 25.

"Peke" at "Ipokrito" diumano ang labor leader dahil sa "burgis" na imahe nito samantalang nire-representa nito ang mga "labourers."

"Ay ang shalabels naman pala niya… akala ko poorita mirasol itashi. Kung maka hanash akala one of the slap soils of the Ph. May expensive doggo pa siya, i think 70 kiyaw ata ang pinaka chippy chips na ganyan. Eniwey maligayang pasko sa bongang bongang handa niyo. Char!" reply ng isang netizen mula sa Tweet ni de Guzman.

"Well we are just giving the Leodycakes the taste of their medicine. [Username] can give you a background kung gaano inaapi nila si leni. Now this picture gave us the aswer to their pagiging ipokrito," reply ng isang Twitter user.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"PLASTIKERONG MAPAGKUNWARING NASA LAYLAYAN," ani ng isang Leni supporter sa Twitter post ni de Guzman.

Wala namang opisyal na sagot ang labourer leader mula sa mga atake na natatanggap.

Samantala, dinipensahan rin ng ilang taga-suporta si de Guzman.

Ani ng isang netizen, hindi man kumikita nang malaki ang labourer leader ay sinusuportahan naman ito ng kaniyang pamilya na sila namang full-time employee at small entrepreneurs.

Dagdag pa ng isang netizens, walang mali sa imaheng ipinakita ni de Guzman, bagkus nagpapakatotoo lamang ito.

Mayroon namang Leni supporter na nagsabi na imbis na batuhin ng pang-aatake si de Guzman ay pagtuunan na lamang ng pansin ang pagsuporta kay Leni dahil doble ang lamang ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos kay Robredo.

"Sa mga Leni supporters na tinitira ang christmas picture ni Ka Leody, please lang guys pakitigilan na. Mutanga. Lagpas doble lamang ni Marcos Jr. kay Leni sa huling pulse asia survey tapos pagaaksayahan niyo ng energy at oras ang christmas picture ni Ka Leody???"

Matatandaan na sa bagong resulta na inilabas ng Pulse Asia na ginanap noong Disyembre 1 hanggang 6, nangunguna si Marcos sa pagkapangulo na mayroong 53%, sinundan naman ito ni Robredo na mayroong 20% at 0.004% naman ang nagsasabi na si de Guzman naman ang nais nilang maging pangulo.